Chapter 2
Chapter 2
“HOW do you do that?” Halos pabulong na tanong ni Lea sa kapapasok lang sa hospital room na si
Jake. Humila ito ng stool at naupo hindi kalayuan sa kanya. Inabot nito ang kamay ng kanilang anak na
ilang araw nang hindi pa rin nagkakamalay.
Ayon sa mga doktor na sumuri kay Janna ay hindi pa raw agad na malalaman kung gaano kalaki ang
natamong pinsala sa ulo ng kanilang anak hangga’t hindi pa ito nagigising. At araw-araw simula nang
dalhin niya ang bata sa ospital ay para siyang nasa loob ng isang bangungot. Hindi niya na alam kung
anong gagawin. Ni hindi niya na alam kung ano ang iisipin.
May mga oras na sinisisi ni Lea nang husto ang sarili niya dahil pumunta pa silang mag-ina sa
simbahan. Pero mas marami ang mga pagkakataong halos isumpa niya si Jake sa kanyang isipan.
Kung sana ay ito ang unang gumawa ng hakbang, ang unang nagpaliwanag ng sitwasyon sa kanilang
anak at hindi iniwan lahat sa kanya ang responsibilidad, sana ay hindi sila pare-parehong naiipit
ngayon sa sitwasyong iyon.
Tulad ni Lea ay ilang araw na rin sa ospital si Jake pero dati-rati ay nasa corridor lang ang binata at
naghihintay. Ngayon lang ito naglakas-loob na pumasok sa kwarto ni Janna. Mapakla siyang napangiti.
Kay tagal niyang pinangarap ang ganoong tagpo, na magsasama-sama silang mag-anak sa iisang
kwarto. Pero ni minsan ay hindi niya naisip na sa ganitong paraan iyon mangyayari.
Kailangan ba talagang meron na munang maaksidente bago nila maramdaman ng anak ang
presensiya ni Jake sa buhay nila?
“How do I do what?” Mahina ring balik-tanong ng binata pagkaraan ng ilang sandali.
“How do you stop… caring? Sabihin mo naman sa akin kung paano mo nagagawa ‘yon. Ituro mo
naman sa akin para pagkagising ni Janna ay ituturo ko din sa kanya. Para hindi na siya araw-araw na
nasasaktan. Para hindi na ako araw-araw na nasasaktan.”
Hindi nakaligtas kay Lea ang naging marahas na paghinga ni Jake. Walang buhay na natawa siya
kasabay ng pagtuon ng atensiyon sa napakainosenteng anyo ng kanyang anak. May bandage ito sa
ulo dahil iyon ang napinsala sa nangyaring insidente. Menor-de-edad ang driver ng sasakyang
nakabangga sa anak. Bukod sa over-speeding na ang sasakyan ay lasing pa ang driver niyon na
napag-alaman nilang itinakas lang pala ang kotse ng ama. Nang mahagip niyon ang anak niya ay
dere-deretso pa itong bumangga sa light pole.
Wala ring seat belt ang driver. Gaya ni Janna ay naospital rin iyon pero ilang minuto lang ang itinagal
niyon sa ospital pagkatapos ay binawian na rin ng buhay. Nakipag-ugnayan na sa kanila ni Jake ang
mga magulang ng driver. Pero wala na rin namang mangyayari dahil patay na ang akusado.
Si Jake naman ay hindi niya nakitang umalis ni minsan ng ospital. Sa kauna-unahang pagkakataon ay
ginagampanan ng binata ang pagiging ama nito. Pero kailangan ba talagang humantong na muna sa
ganoon bago nito gampanan iyon? Paano kung huli na? Nag-init ang mga mata ni Lea sa naisip.
“Mamamatay ako kapag nawala si Janna, Jake.” Pumiyok ang boses niya. “She’s all I have. You know
that.”
Habang pinagmamasdan ang anak ay bumalik sa isip niya ang naging pag-uusap nila noong
nakaraang mga araw.
“MOMMY, can you share with me again some things about Daddy? Nami-miss ko na kasi siya. Kailan
ba siya uuwi? Did he call? Did he say he misses us, too?”
Napalunok si Lea. Napahinto siya mula sa pagsusuklay sa mahabang buhok ng anak nang marinig ang
mga sinabi nito.
“Mommy?”
Nagtatakang humarap sa kanya si Janna. Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay gumapang uli ang
hapdi sa puso niya. Hangga’t maari ay ayaw niyang isipin ng anak na gaya niya ay hindi rin ito mahal
ng ama nito.
“Of course, your father called. Matitiis ka ba naman niya? Nagkataon lang na may business conference
siya ngayon sa Singapore. But he said he misses you so much!” Pilit na pinasigla niya ang boses. “And
he told me to hug you like this for him.” Inabot niya ang anak at buong pagmamahal na niyakap. “He
said he loves you, sweetheart.”
“And I love him, too, mommy.” Malambing na sagot ng bata bago gumanti ng mahigpit na yakap kay
Lea. “What about you, Mommy? Anong sinabi niya sa ’yo?”
Wala. Your father would rather die than talk to me. Mapait na naisaloob ni Lea. Marami siyang gustong
ipaliwanag sa anak pero natatakot siyang basagin ang magandang paniniwala nito lalo na tungkol sa
mga magulang at tungkol sa pamilya. Masyado pa itong bata. Hindi pa ito handa para sa katotohanan.
“He said he misses me, too. Your father is such a sweet man, sweetheart. We’re lucky to have him.
Kasi… mahal na mahal niya tayo.” Kasabay niyon ay gumaralgal ang boses ni Lea. Tuluyan nang
pumatak ang mga luha niya. Minsan ay natutukso na rin siyang paniwalaan ang mga kasinungalingang
hinahabi niya. Pero parating gumagawa ang tadhana ng paraan para agad ring basagin ang mga
ilusyon niya.
Gaya ngayon. Nasa Maynila lang si Jake at abot-kamay nilang mag-ina kung tutuusin. Pero ang
maalala sila ang pinakahuling bagay na gagawin ng binata, sigurado siya roon. Lalo na ngayon na
abala ito sa pag-aayos ng mga detalye tungkol sa nalalapit na kasal, kasal na sa kamag-anak pa nito noveldrama
niya unang nalaman.
“Mommy, are you crying?”
“Yeah. Because I was so touched by your father’s words.” Mariing ipinikit ni Lea ang mga mata nang
marinig ang paghagikgik ng kanyang munting prinsesa.
“Uy… Si Mommy kinikilig.”
Muling natawa si Lea. Bahagyang humigpit ang pagkakayakap niya sa anak nang tangkang kakawala
ito mula sa kanya. Hindi pa siya handang makita ang mukha nito sa ganoong estado ng emosyon niya.
Hindi siya handang makipagtitigan sa mga mata ng ama nito… na sana ay hindi na lang nito namana.
“Tell me more about him, Mommy. O kaya ‘yong love story n’yo na lang. Hanggang ngayon, hindi mo
pa ‘yon naikukuwento sa akin. Sabi mo pagtungtong ko na ng thirteen kapag kaya ko nang
maintindihan. Hindi ko ba talaga pwedeng malaman na ngayon, ‘my?”
Ano bang klaseng parusa ito? Patuloy sa pagdaloy ang mga luha na daing ni Lea. Anak, paano ko ba
sasabihin sa ’yo na kaya wala akong maikwentong love story kasi wala naman talaga? Paano ko ba
sasabihin na araw-araw, sinisikap kong magkaroon ng love story pero ayaw naman hayaan ng Daddy
mo? Paano ko ba sasabihin na lahat, ibinaba ko na? ‘Yong pride ko, wala na. ‘Yong puso ko, durog na.
Kahit ‘yong logic, iniwanan na ako, anak. Ang tanga-tanga ko daw kasi. Puro na lang daw kasi ako
Jake, Jake, Jake.
Humiwalay sa kanya si Janna. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya na ito napigilan. Humarap ito sa
kanya. Mababakas ang pagtatanong sa mga inosenteng mata nito. “Mommy, please? Tell me about it.
Para may mai-share naman ako sa classmates ko. Kasi niloloko nila ako. Hindi pa daw nila nakikita si
Daddy.” Lumungkot ang anyo nito. “Baka daw illegitimate child ako.”
“MANY times, I thought about quitting on life. And then I will notice Janna who was watching me.” Wala
sa loob na naibulong ni Lea. “Ang hirap sumuko dahil inaasahan niya ako. Dahil ‘yong pagiging ama
mo, nagsimula at natapos sa pagpapadala mo ng mga pangangailangan niya na kung tutuusin ay kaya
ko rin namang ibigay. Ang hirap, Jake. Sobra. Minahal kita. Iyon lang naman ang naging kasalanan ko
sa ‘yo pero sobra-sobra ‘yong ginanti mo.”
Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Lea. “Sobra-sobra ‘yong mga bagay na kinailangan kong
pagbayaran dahil lang sa pagmamahal ko sa ‘yo. I had to be a mother and the father that you cannot
be. And during those stupid times that you were gone, I had to lie to my daughter about you even when
all I wanted to do was to curse you to hell. Dahil ayokong isipin niya na tulad ko, hindi rin siya mahal ng
tatay niya.”
“Leandra…”
Agad na napabaling si Lea kay Jake nang marinig ang halos pabulong na sinabi nito. Napangiti siya na
mayamaya ay nauwi sa sarkastikong pagtawa habang patuloy pa rin sa paglandas ang mga luha niya.
“Hanggang sa pangalan ko ay nagkamali ka pa rin. God, Jake…”
Nang hindi niya na mapigilan ang sarili ay napahagulgol siya. Lumapit sa kanya si Jake pero umiwas
siya rito. Punong-puno ng hinanakit na pinagmasdan niya ang anyo nito, ang anyo na kahit nakapikit
siya ay malinaw niya pa ring nakikita sa alaala niya, ang anyo ng nag-iisang lalaki na puro sakit ang
ibinigay sa kanya.
Pinakatitigan ni Lea ang binata hanggang sa manumbalik sa isip niya ang totoong love story nila, isang
bagay na hindi niya alam kung kailan siya magkakaroon ng lakas ng loob na aminin sa
anak…
What do you think?
Total Responses: 0