Chapter 13
Chapter 13
MABIGAT ang dibdib na ipinarada ni Ansel ang sasakyan sa tapat ng town house ni Yalena.
Napahugot siya nang malalim na hininga. Kung saan-saan siya nag-ikot sa nakalipas na mga oras
simula nang magkita sila ni Yalena sa mansiyon ng kanyang pamilya. Hindi niya na nagawa ang
orihinal na plano na dalawin ang ina sa ospital. Tutal kapag naroon siya ay hindi niya rin naman
magawang pumasok sa hospital room nito.
Litong-lito na siya. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin. Bigla ay hindi niya na mapagkatiwalaan
ang sarili sa pagbuo ng mga desisyon. Hindi pa siya bumabalik sa opisina. Hindi niya alam kung
magagawa niya pang bumalik at pamunuan iyon kung ganoong ninakaw lang pala iyon ng kanyang
ama mula sa mga Alvero at de Lara. Hindi niya pa nakakausap ang mga kapatid. Hindi na nila
pinatagal pa ang burol ng ama. Matapos ang tatlong araw ay inihatid na nila ito sa huling hantungan.
Pagkalibing ay saka lang inamin sa kanya nina Alano at Austin ang tungkol sa journals ng ama.
Naisubsob ni Ansel ang ulo sa manibela. Hindi niya na alam kung sino pa ang dapat kausapin, harapin
o pagkatiwalaan. Pakiramdam niya ay niloko at pinaglaruan lang siya ng mga taong mahal niya. His life
was one fat lie. Hindi niya alam kung paano magsisimula uli. Ni hindi niya alam kung paano niya
ipagkakasya sa kukote niya ang mga natuklasan. Nanloko at nakapatay ang kanyang ama para sa
pagmamahal. Ipinagkait ng kanyang ina sa mga anak nito ang katotohanan tungkol sa bulok palang
pagkatao ni Benedict sa ngalan din ng pagmamahal. Tinanggap nina Alano at Austin sa mga buhay ng
mga ito sina Maggy at Clarice dahil sa pagmamahal kahit pa alam ng mga kapatid na paghihiganti ang
motibo ng dalawang babae. Naloko siya ni Yalena dahil nabulag siya ng pagmamahal para dito. At
ngayon ay sinisira siya ng pagmamahal na iyon. Lahat ay puro tungkol sa pagmamahal. Shit!
Parang tuksong naglaro sa isipan ni Ansel ang naaktuhang eksena sa rest house sa Olongapo. Posible
ngang hindi totoong si Yalena ang pumatay sa kanyang ama at bumaril sa kanyang ina. Wala siyang
idea dahil pinagbabaril nina Dennis ang CCTV sa buong lugar. Pero nagsusumigaw pa rin ang
katotohanang kasabwat si Yalena ng mga dating squatter na tulad nito ay may galit sa kanyang ama.
Minahal at pinagkatiwalaan niya nang buong-buo si Yalena. At bilang anak ay nauunawaan niya ang
pinanggagalingan nito. Pero hindi niya matanggap na pinaikot lang siya ng babae sa ngalan ng
paghihiganti. The voice recordings were solid proofs.
Bukod pa roon, kailangan bang suklian ng kamatayan din ang nangyaring kamatayan noon? Mahirap
ang pinagdaanan ni Yalena nang dahil sa kanyang ama at ngayon ay pinagdaraanan niya rin ang hirap
na iyon. Every single day, it was a struggle to wake up. Hindi gaya nang dati na parati siyang
masayang pipikit at matutulog gabi-gabi dahil marami siyang inaasahang mangyayari pagsapit ng
umaga sa pagmulat niya pa lang ng mga mata.
Napahugot siya ng malalim na hininga bago napatingin sa bahay ni Yalena. Naroroon ang sasakyan
nito. Hindi niya alam kung nasa loob ito dahil naka-taxi lang ang dalaga nang puntahan siya sa
mansiyon.
Naipilig ni Ansel ang ulo para alisin sa isip ang mga bagay na sinabi ng dalaga sa kanya kanina.
Naparoon lang siya para kunin ang kanyang mga damit. Plano niya na ring ipagbili ang kanyang town
house sa village na iyon. Wala nang saysay pa ang pagtira doon. Lahat ay wala nang saysay pati na
ang pinangarap niyang kasal na malabo nang matuloy pa.
Bumaba na siya ng kanyang sasakyan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay gumamit siya ng doorbell
sa gate. Nang walang sumagot ay kunot-noong pumasok na lang si Ansel. Ginamit niya ang kanyang
duplicate key para makapasok sa loob, duplicate key na sa kabila ng lahat ay hindi niya maalis-alis sa
kanyang wallet. Para siyang sinakal nang makapasok sa loob.
“Hindi ako mabuting tao. Aaminin kong ilang ulit sa nakalipas na mga taon ay hinangad kong mamatay
si Benedict. Pero sa tingin ko, kahit na sinong anak ay gano’n ang hahangarin kung malalagay sila sa
lugar ko,” naalala ni Ansel na sinabi ni Yalena nang tangkain siya nitong kausapin matapos ilibing ang
kanyang ama.
“Pinatay ang mga magulang ko. Ninakaw ang kayamanang para sa amin ng kakambal ko. Pinasunog
ang bahay namin. Naranasan ko lahat ng uri ng sakit at panggigipit nang dahil lang sa iisang tao: nang
dahil lang sa ama mo. Pero iyong taong iyon na napakaraming nagawang krimen, ni hindi nakulong.
Kaya sinong anak ang hindi maghahangad iganti man lang ang kanyang mga magulang lalo na’t
gano’n ang sinapit?
“Sinong anak ang hindi maghahangad ng hustisya? Sinong mabuti ang hindi magiging masama
matapos niyon? Sinong mabait ang hindi magagalit?” Bumakas ang hapdi sa mga mata ni Yalena.
“Kilala kita, Ansel. I’m sure if you were me, you would have done the same thing. Baka nga mas
matindi pa ang gawin mo. Pero lahat ng iyon, tinalikuran ko. Tinalikuran ko ang labing-anim na taong
sakit at pait para sa `yo, para tanggapin ang pagmamahal mo, pagmamahal na bakit… bakit hindi ko
na makita sa mga mata mo?”
Nanlamig si Ansel. Hindi kaya…nagsasabi ng totoo si Yalena? Pero mayamaya ay naipilig niya ang
ulo. Dumeretso na siya sa kwarto ng dalaga na siyang ilang buwan ding naging kwarto niya. Ini-on niya
ang ilaw roon. Napatitig siya sa kama. Doon siya masayang natutulog at nagigising dati-rati. Parang
bibigay ang puso na kinuha niya na lang ang kanyang traveling bag sa ilalim ng kama at binuksan ang
closet kung saan nakalagay ang kanyang mga damit.
Pero natigilan siya nang may makitang maliit na pulang kahon sa ibabaw ng kanyang mga nakatuping
damit. May puti pang ribbon doon. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya iyon. Bumungad sa
kanya ang isang white gold na kwintas na hugis krus ang pendant. Nagsalubong ang mga kilay niya.
Pamilyar iyon sa kanya. Iyon ang kwintas na parating suot ni Yalena noon.
“M-may iniwan ako sa `yo last week na regalo sa closet mo sa bahay ko. Nakalagay roon ang
kumpletong voice recordings, Ansel, mula simula hanggang sa huling pag-uusap namin ni Dennis. It
was supposed to be my monthsary gift to you because I wanted to tell you the truth. Necklace recorder
iyon.”
Kumabog ang dibdib ni Ansel. Itinalikod niya ang pendant ng kwintas. Nakita niya roon ang isang maliit
na pindutan. Ilang beses pa siyang nagdalawang-isip bago sa wakas ay pinindot iyon. Umalingawngaw
sa kwarto ang masigla at malamyos na boses ni Yalena.
“Baby, `guessed what I found out? I’m pregnant! Seven weeks na daw sabi ng doktor nang
magpatingin ako kanina. I must admit, I never thought of being a mother, not even once. Dahil nang
mawala ang mga magulang ko noon, marami na akong nalimutang isipin at pangarapin. I never even
thought of being a wife much more, being engaged… to you. But you know what? Maraming nagbago
nang malaman kong may munting buhay pala dito sa loob ng katawan ko.
“Bigla naging excited ako. Ano kaya’ng magiging itsura niya? Ano kayang ugali ang mamamana niya
sa `ting dalawa?” Narinig niya ang pagtawa ni Yalena. “Pero sana kamukha mo. Sana magmana sa
`yo. You’re a loving partner, Ansel. And I really wished this baby will one day, be like you. Being
pregnant also made me brave. Paulit-ulit mong itinatanong sa akin ang tungkol sa mga bangungot ko.”
Bumuntong-hininga si Yalena. “And now that it’s our fourth monthsary, I want this baby inside me and
the truth becomes my gift to you.
“Nakahanda na akong umamin, Ansel. Anuman ang matuklasan mo, gusto kong malaman mong mahal
kita. I’ve loved you since I was twelve when Benedict showed me your picture.” Marahang tumikhim
ang dalaga. “I want what Alano, Clarice, Austin and Maggy have. So please, please find it in your heart
to understand what you’re about to hear…”
“OH, CHRIST!” Kumakabog pa rin ang dibdib na napatayo si Ansel matapos marinig ang kabuuan ng
laman ng recorder. Natetensiyong napalabas siya ng bahay hawak pa rin ang kwintas. Nakasaad sa
recorder ang mga naging pag-uusap nina Yalena at Dennis maging ang huli noong nagpahayag ang
dalaga na totoo ngang tumatalikod na ito sa plano. Kahit ang pag-uusap ng dalaga at ng kanyang ina
sa Olongapo ay naroroon din.
Buong-buo ring ipinagtapat ni Yalena ang kaugnayan nito kay Dennis, ang nangyari kina Dennis, ang
kwento ng buhay ng dalaga at ng kakambal nito pati na ni Clarice. Ang pare-parehong planong
paghihiganti ng mga ito na nauwi sa pag-ibig. noveldrama
“You see, my nightmares are about my parents’ death and your father. Benedict and I were a bit close
back then. That’s why after what happened, I felt betrayed. Mabuti na lang talaga, naiiba ka. Sa Daddy
mo una kong inamin na crush kita. Sa kanya ko rin unang inamin ang pangarap ko… na maging isang
prinsesa. He told me that you’re no prince. But then again, he told me that you will be a wonderful
knight. Siya ang nagsabi sa aking iniidolo mo siya, na gusto mo raw maging tulad niya. See?
Natatandaan ko ang lahat ng mga detalye.” Bahagyang tumawa si Yalena. “I remember everything
because it’s about you.
“Aminado ako na matapos mong ipagtapat sa akin noon kung gaano mo hinahangaan ang Daddy mo
ay natukso akong aminin ang totoo. Pero natakot akong baka hindi mo ako paniwalaan.” Bumuntong-
hininga ang dalaga. “I was also afraid to shatter your dreams. Pero ayoko na kasing maglihim pa sa
`yo. I want us to start on a clean slate from now on. Lalo na’t mukhang may pinaplano si Dennis. I
haven’t heard of him but I knew he also kept a record of our past conversations. I was familiar with his
watch. It was also a recorder. Nakita ko ‘yon minsan sa Japan nang bilhin ko ang kwintas ko. Hindi ko
alam kung paniniwalaan mo ang mga sinasabi ko. But I hope you will. I truly love you, Ansel. Let’s stay
strong, okay? Happy fourth monthsary!”
Pumatak ang mga luha ni Ansel sa mga naalalang huling sinabi ni Yalena sa recorder. Patakbong
sumakay siya sa kanyang kotse.
God, Yalena. Where are you now? Napasulyap siya sa kanyang wristwatch. Alas-sais y medya na ng
gabi pero wala pa rin ang dalaga sa bahay nito. Ini-on niya ang kanyang cell phone. Nabigla siya sa
mahigit tatlumpung missed calls na bumulaga sa kanya. Mula iyon kina Clarice, Alano, Austin, at
Maggy.
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon na tinawagan ni Ansel si Austin sa pagbabaka-sakaling kasama
nito at ni Maggy si Yalena. Hindi na muna niya binasa ang mga bagong dating na text messages.
“Kasama n’yo ba si Yalena?” agad na bungad ni Ansel kay Austin nang sagutin nito ang tawag niya.
“Nasa bahay n’yo ba?” Bumukod na ng tirahan sina Maggy at Austin nang matapos na sa wakas ang
ipinatayo ni Austin na bahay para dito at sa asawa nito. Doon na tumuloy ang mag-asawa pagkalabas
ni Maggy sa ospital kasama ang anak ng mga ito na pinangalanang Vincent na malapit umano sa
pangalan ng ama ni Maggy.
Nabigla si Ansel nang marinig ang pagmumura ni Austin sa kabilang linya.
“What the fuck are you doing, Kuya Ansel?”
Kumunot ang noo niya. Wala sa ugali ng kapatid ang magmura sa kabila ng galit nito. “Austin, ano
ba’ng—”
“Dahil hindi ka ma-contact ng guard sa mansiyon, ako ang tinawagan niya. Isinugod niya raw sa ospital
si Yalena nang iwanan mo sa mansiyon matapos duguin nang basta mo na lang itulak kanina. Shit,
Kuya! The woman was innocent! Iyon din ang sinabi ni Mama na nagkamalay na kanina. Pero ano
itong ginawa mo? Yalena lost her baby!”
Dumulas ang cell phone sa kamay ni Ansel. Parang bombang sumabog sa kanyang pandinig ang mga
sinabi ng kapatid.
What do you think?
Total Responses: 0